Watch: Eviction order para sa mga miyembro ng KADAMAY sa Pandi, Bulacan inilabas na

Posted in: Featured, Latest News, National, Provincial

Watch: Eviction order para sa mga miyembro ng KADAMAY sa Pandi, Bulacan inilabas na

By:

Kadamay PandiSinilbihan na ng eviction notice ang mga miyembro ng KADAMAY na sapilitang umukopa sa ilang pabahay ng pamahalaan sa Pandi, Bulacan.

Kinumpirma ni Senior Insp. Mark Bernardo, deputy chief of police ng Pandi Bulacan PNP na isinilbi na nila ang eviction notice sa mga umokupa sa Villa Elise.

Nagkakaroon naman ng negosasyon sa pagitan ng NHA at KADAMAY sa Pandi Residences 2 at 3 sa Barangay Mapulang Lupa.

Pumasok na rin ang social workers mula sa Department of Social Welfare and Development sa Pandi Residences 2 dahil nagkakasakit na ang ilang mga bata.

Nauna nang sinabi ng mga lider ng KADAMAY na matagal ng napapabayaan ng pamahalaan ang problema para sa pabahay lalo na sa mga urban poor.

Naghigpit ng seguridad ang mga miyembro ng KADAMAY dahil sa napipintong pagpapaalis sa kanila sa lugar.

Leave a comment