Malakanyang, nakiramay sa pamilya ni dating Senador Shahani

Posted in: Featured, Latest News, National

Malakanyang, nakiramay sa pamilya ni dating Senador Shahani

By:

inquirer.net file photo
inquirer.net file photo

Nagpaabot ng pakikiramay ang palasyo ng Malakanyang sa pamilyang at mga kaibigang naiwan ni dating Senador Leticia Ramos Shahani.

Ayon kay Presidential Spokesman Ernesto Abella, tiyak na mamimiss ng taong bayan ang boses at ang pagiging humanist ni Shahani.

Ikinalulungkot aniya ng palasyo ang pagpanaw ni Shahani.

Ayon lay Abella, hindi matatawaran ang naging serbisyo ni Shahani bilang senador at maging sa sangay ng ehekutibo sa ibat ibang nagdaang administrasyon.

Pumanaw si Shahani kaninang 2:40 ng madaling araw sa sakit na cancer.

Leave a comment