Kuha ng CCTV sa pamamaslang sa isang police woman sa Maynila, pinag-aaralan na

By Erwin Aguilon March 20, 2017 - 09:05 AM

Kuha ni Erwin Aguilon
Kuha ni Erwin Aguilon

Sentro ng imbestigasyon ngayon ng Manila Police ang nakuhang footage mula sa CCTV camera sa pinangyarihan ng pananambang kay PO1 Jorsan Marie Alapriz ng Barbosa PCP sa Lungsod ng Maynila.

Ayon kay SPO4 Glenzor Vallejo ng Homicide Section ng MPD kitang-kita sa CCTV ang dalawang lalaki na humaharurot ng takbo mula sa crimen scene.

Isa aniya sa lalaki ay nakasuot ng helmet habang ang isa naman ay may takip ang bibig.

Kuha ni Erwin Aguilon
Kuha ni Erwin Aguilon

Tinuro rin aniya ng mga saksi sa pagpaslang kay PO1 Alapriz na yaong motorcycle-riding-in tandem na lalaki ang namaril kay PO1 Alapriz.

Isa rin aniya sa pinag-aaralang anggulo ang sinasabing operation laban sa illegal drugs ng Barbosa PCP.

Pasado alas-10:20 kagabi nang tambangan si PO1 Alapriz sa Recto Avenue, Barangay Sta. Cruz, sa tapat ng Isetann Department Store.

Bumangga pa sa isang tricycle ang kulay silver na Mitsubishi G4 GLX Mirage na may conduction sticker na NP 9583 na sinasakyan ni PO1 Alapriz.

May tama ng bala sa harapan at magkabilang tagiliran ang kotse ng policewoman.

 

 

 

 

 

 

TAGS: cctv, Maynila, MPD, PO1 Jorsan Marie Alapriz, cctv, Maynila, MPD, PO1 Jorsan Marie Alapriz

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.