Golovkin, wagi sa middleweight unification fight laban kay Jacobs

Posted in: Featured, Latest News, Sports

Golovkin, wagi sa middleweight unification fight laban kay Jacobs

By:

 

AP Photo

Natalo ni Genady Golovkin ang kanyang nakalabang si Danny Jacobs upang magtapos ang kanilang middleweight fight sa decision.

Bagamat kapwa kilalang knock-out artists ang dalawa, tumagal ng 12 rounds ang bakbakan ng dalawa upang umabot sa judge’s decision ang laban.

Sa huli, pumabor ang mga judge sa naging performance ni Golovkin kaya’t lahat ng tatlo ay pumabor sa Kazakh fighter.

Bagama’t may mga ilang mga suntok si Jacobs na nakapuntos, hindi pa rin ito naging sapat upang maungusan ang malalakas na suntok na binitiwan ni Golovkin.

Dahil sa pagkapanalo, naagaw ni Golovkin ang WBA middleweight belt na hawak ni Jacobs.

Leave a comment