Hinihinalang notoryus na ‘hitman’, patay sa Laguna

Posted in: Featured, Latest News, Metro

Hinihinalang notoryus na ‘hitman’, patay sa Laguna

By:

Kuha ni Cyrille Cupino
Kuha ni Cyrille Cupino

Patay ang isang lalaking itinuturong notoryus na ‘hitman’ sa Laguna cor. Molave St., Tondo, Maynila.

Kinilala ang suspect na si Arvel Boy Aquino, alyas ‘Sundalo’ na aarestuhin na sana pero nanlaban pa sa mga pulis.

Poposasan na umano ang suspect pero pinaputukan pa nito ang mga pulis.

Armado ang suspect ng isang caliber .45 na baril at nahulihan rin ng 3 sachet ng hinihinalang shabu sa kanyang bulsa.

Sugatan rin sa operasyon ang isang operatiba ng pulisya matapos tamaan ng bala sa kaliwang hita.

Ayon kay Supt. Alex Daniel, hepe ng Abad Santos Police Station, si Aquino umano ang suspect sa pagpatay sa dalawang babae sa Antipolo St., noong February 11.

Sinasabing si Aquino rin ang gun-for-hire ng mga drug pusher sa lugar na pumapatay sa mga impormante.

Leave a comment