Isang tricycle driver, patay nang pagbabarilin sa Caloocan City

Posted in: Featured, Latest News, Metro

Isang tricycle driver, patay nang pagbabarilin sa Caloocan City

By:

Kuha ni Cyrille Cupino
Kuha ni Cyrille Cupino

Patay ang isang tricycle driver matapos pagbabarilin sa North Diversion Rd., Brgy. Bagong Barrio, Caloocan City.

Kinilala ang biktimang si Josefino Morales Sr., sisenta anyos.

Kwento ng anak ng biktima, naka-tambay ang kanilang ama at nag-aabang ng pasahero nang kaladkarin ng apat na lalaki na sakay ng dalawang motorsiklo.

Kinakausap umano nito ang kanilang ama na sumama, pero nakiusap ang biktima na hayaan na lang siya.

Hinayaan itong bumalik, pero tinambangan pa rin sa loob ng kanyang tricycle.

Una na umanong sumuko sa Oplan Tokhang ang biktima, at tumigil na rin umano ito sa paggamit ng droga.

Nasa drug watchlist rin umano ng barangay ang napatay na si Morales.

Labis namang paghihinagpis at galit ang nararamdaman ng tatlong anak ng biktima dahil inosente naman umano ang kanilang ama.

Leave a comment