Speaker Alvarez, hinamon ni VP Robredo na ilabas ang bashean ng planong impeachment laban sa kanya; Ilang pro-Duterte group, nagkilos-protesta sa OVP

By Alvin Barcelona March 18, 2017 - 06:46 PM

Leni Robredo11Hinamon ni Vice President Leni Robredo si House Speaker Pantaleon Alvarez na ilatag ang mga basehan sa plano nitong pagsasampa ng impeachment complaint laban sa kanya.

Ayon Robredo, hindi niya personal na narinig ang banta ni Alvarez at nabasa lamang ito sa social media kaya mahirap aniya para sa kanya na magkomento.

Gayunman, sinabi ni Robredo na ilang beses nang inulit mismo ni Pangulong Rodrigo Duterte na sigurado ito na hindi siya kasama sa anumang destalbilization plot.

Kung ang gagamitin aniya ni Alvarez ay ang sinasabi nitong kinalaman niya sa impeachment complaint ng Mgadalo, mismo ang Magdalo na ang nagtanggi na may kaugnayan siya sa nasabing hakbang.

Depensa pa ni Robredo, ang mensahe naman niya sa isang komisyon ng UN kamakailan ay matagal na at nagkataon na ngayong Marso lamang inilabas kasabay ng paghahain ng impeachment complaint laban kay pangulo.

Samantala, isang maliit na grupo ng mga pro-duterte group ang nagtitipon ngayon sa labas ng Office of the Vice President sa Quezon City.

Kabilang sa grupo ang aktres na si Vivian Belez, isang kilalang supporter ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Ilan sa nasa labas ng OVP ay may dalang mga placards at isa ay may nakasuot ng itim na t-shirt na may nakapatong na papel na may nakasulat na oust Leni.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.