Babae natagpuang patay sa Brgy. San Jose, QC; lalaki namang umiwas sa Oplan Sita sa Caloocan City, patay

By Jong Manlapaz March 18, 2017 - 05:20 AM

qc caloocan
Kuha ni Jong Manlapaz

Isang babae ang natagpuang patay sa tapat ng isang kapilya sa Brgy. San Jose, Quezon City, habang isa namang miyembro ng “Bulabog Boys” na sangkot sa serye ng holdapan at pagtutulak ng bawal na.gamot ang napatay sa oplan sita sa Bagong Silang, Caloocan.

Ang babae ay nagtapo ng dalawang tama ng bala sa ulo makaraang pagbabarilin sa kanto ng C3 at Kabatuan St., Barangay San Jose, Quezon City alas-onse kagabi.

Ayon kay Rolando Hubahib, tanod ng Brgy San Jose, dalawang putok ng baril ang narinig sa lugar bago natagpuang ang bagkay ng babae.

Nakita rin ng ilang tambay sa lugar na angkas ng motorsiklo ang biktima, pinababa ito sa motosiklo saka binaril ng dalawang beses sa ulo.

Sa Brgy. Bagong Silang, Caloocan naman, napatay ang suspek na nakilala lang sa alyas na “Ipoy”, habang nakatakas naman ang kasamahan nito, matapos manlaban sa mga otoridad sa Phase 2, Package 2, Kanlaon Street, Brgy. 176, Bagong Silang, Caloocan City.

Ayon kay Chief Insp. Ronald Cayagon, station commander ng Brgy.176 police community precinct, nagsasagawa sila ng oplan sita sa tapat ng Silangan Elementary School nang mamataan ang kahinahinalang kilos ng dalawang sakay ng motorsiklo.

Sisitahan sana ng mga otoridad ang mga suspek ngunit biglang nagpaputok ang isa sa mga ito at nakipaghabulan pa sa mga operatiba.

Dito na napilitang gumanti ng putok ang pulisya na nagresulta sa pagkamatay ni Ipoy na nakuhanan pa ng ilang sachet ng shabu at isang .45 caliber pistol.

Miyembro si Ipoy ng bulabog gang na sangkot sa serye ng holdapan at pagbebenta ng iligal na droga.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.