De Lima sa umano’y US intel report na nagsasabing sangkot siya sa droga: “Out of this world”

Posted in: Featured, Latest News, National, Uncategorized

De Lima sa umano’y US intel report na nagsasabing sangkot siya sa droga: “Out of this world”

By:

 

Inquirer file photo

“Out of this world.”

Ito ang reaksyon ni Senador Leila De Lima sa umano’y US intelligence report na nag-uugnay sa kanya sa operasyon ng iligal na droga sa bansa.

Sa kanyang sulat-kamay na liham, iginiit ni De Lima na mistulang galing sa planetang Mars o Jupiter ang naturang intel report dahil sa kawalan ng matinong basehan.

Duda rin ang kalihim kung mayroon talagang US intel report sabay hamon na ilabas ito sa publiko.

Una nang sinabi ni Senador JV Ejercito na nabanggit ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kanilang dinner-meeting ng mga senador na may hawak itong US Intelligence report na magdidiin sa senadora sa kasong droga na kinakaharap nito sa Muntinlupa regional Trial Court.

Gayuman, ayon kay De Lima, bahagi lamang ito ng ‘black propaganda’ laban sa kanya.

Leave a comment