3 katao at 1 pulis, huli sa aktong nagpo-pot session

By Rohanisa Abbas March 16, 2017 - 11:40 AM

talisay cebu mapApat na katao, kabilang ang isang pulis, ang naaresto sa hinihinalang drug den sa Barangay Tabunok sa Talisay City, Cebu.

Nasabat mula sa mga ito ang 45 gramo ng shabu na nagkakahalagang 531,000 piso, pinatuyong dahon ng marijuana, at ilan pang mga armas at granada.

Kinilala ang mga suspek na sina SPO1 Cielo Bonitem Frederick Go, Arnold Leceña at Jaime dela Cerna.

Ayon kay Supt. Mario Baquiran Jr. ng Provincial Public Safety Company, isinilbi nila ang search warrant sa bahay ni Go. Naaktuhan namang nagpo-pot session ang mga suspek kaya inaresto ang mga ito.

Depensa naman ni SPO1 Bonite, napadaan lamang siya sa lugar.

Sa ngayon, nakaditena sa Cebu Provincial Police Office ang mga suspek habang inihahanda ang isasampang kaso laban sa mga ito.

Sinabi naman ni Baquiran na magsasagawa ang pulisya ng malalim na imbestigasyon para alamin kung sino ang nagsu-supply ng droga sa mga ito.

TAGS: 4 arestado, pot session, Provincial Public Safety Company, Supt. Mario Baquiran Jr., 4 arestado, pot session, Provincial Public Safety Company, Supt. Mario Baquiran Jr.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.