Dating Barangay Tanod patay sa pamamaril sa Tondo, Maynila,!

By Cyrille Cupino March 16, 2017 - 07:31 AM

TONDO KILLINGPatay ang isang dating Barangay Tanod matapos pagbabarilin sa loob ng kanyang tindahan sa Brgy. 82, Zone 7, Tondo, Maynila.

Kinilala ang biktima na si Arturo Fajardo, alyas Boy Lobo, sisenta’y sais anyos.

Kwento ng nakababatang kapatid ng biktima, natutulog na sa loob ng tindahan si Fajardo nang bigla na lang tambangan ng dalawang lalaking sakay ng motorsiklo.

Isinugod pa sa Mary Johnson Hospital ang biktima pero idineklara ring dead on arrival matapos magtamo ng apat na tama ng bala sa dibdib.

Nakuha pa sa CCTV ang pagdaan ng mga suspect at pagliko ng mga ito sa kanto ng Balagtas at Velasquez St., malapit sa bahay ng biktima.

Sakay ang mga suspect ng isang dilaw na motor na hindi naplakahan, nakasuot ang mga ito ng maskara at hoodie.

Paliwanag ng kaanak ng biktima, wala namang kaaway ang kanyang kapatid at maaring napagkamalan lamang ito.

Nagpapatuloy naman ang imbestigasyon ng pulisya sa nasabing pagpatay.

 

WATCH:

TAGS: Balagtas at Velasquez St, cctv, dating Barangay Tanod, Mary Johnson Hospital, Maynila, Pamamaril, Tondo, Balagtas at Velasquez St, cctv, dating Barangay Tanod, Mary Johnson Hospital, Maynila, Pamamaril, Tondo

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.