Lalaki patay matapos pagbabarilin sa loob ng sasakyan sa Parañaque

By Jong Manlapaz March 15, 2017 - 08:05 AM

Lalaki pinagbabaril sa macapagal paranaque sa loob ng sasakyan patayNatagpuang wala ng buhay ang isang Chinese National sa loob ng sasakyan nitong niyang SUV sa Parañaque.

Ito ay matapos siyang pagbabarilin sa Pacific Avenue Brgy. Don Galo Parañaque City pasado alas nueve Martes, March14 ng gabi.

Nakilala ang biktima sa pamamagitan ng kanyang drivers license na si Ben Chua, 42 taong gulang, at residente ng Dasmariñas St. Binondo Maynila.

Lumalabas sa imbestigasyon na ginigitgit ng puting Innova at puting van ang sinasaktang SUV ng biktima na pumasok sa Pacific Avenue, bago ito pinagbabaril at sumampa sa gutter.

Nagtamo ang biktima ng mga tama ng bala sa dibdib habang isang sachet ng hinihinalang shabu na nakuha sa secret pocket ng pantalon ni Chua.

 

WATCH:

TAGS: Ben Chua, Brgy. Don Galo, chinese national, loob ng sasakyan, Pacific Avenue, Paranaque, pinagbabaril, suv, Ben Chua, Brgy. Don Galo, chinese national, loob ng sasakyan, Pacific Avenue, Paranaque, pinagbabaril, suv

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.