Phil. Army, humingi ng tawad sa pagkakadamay ng 2 bata sa operasyon vs. Abu Sayyaf

By Kabie Aenlle March 15, 2017 - 04:08 AM

 

Philippine_Army_HQ_TaguigHumingi ng paumanhin ang mga sundalo matapos masawi ang dalawang bata sa isang operasyon nila laban sa Abu Sayyaf Group sa Tabuan Lasa sa Basilan noong March 8.

Ayon kay Maj. Gen. Carlito Galvez Jr., hanggang ngayon ay lubos pa rin nilang ikinalulungkot ang pagkakaipit ng dalawang bata sa kanilang bakbakan, at na labis silang humihingi ng paumanhin sa nangyari.

Target ng nasabing operasyon si Mubin Kulin alyas Mulawin na pinsan ng Abu Sayyaf leader na si Isnilon Hapilon, na responsable rin sa ilang insidente ng kidnapping.

Ayon aniya sa kanilang impormasyon, nasa 100 miyembro ng Abu Sayyaf na naka-base sa Sulu ang nasa Tapiantana Island sa Tabuan Lasa

Nang maghahain na aniya ang mga tropa ng gobyerno ng arrest warrant laban kay Kulin, sinalubong sila ng putukan mula sa mahigit 30 na bandido.

Dahil sa nasabing bakbakan, nakatakas si Kulin at ang kaniyang mga tauhan, at doon lang nila nalaman ang tungkol sa pagkakadamay ng dalawang bata.

Hindi aniya nila inasahan na may mga bata sa lugar na iyon.

Tiniyak naman ni Galvez na tutulungan nila ang mga pamilya ng mga naipit sa bakbakan.

Bukod sa mga batang kinilalang sina Nurmida Alha Abbi, 7 taong gulang, at Ashab Tawallah Abuhaup, 12 taong gulang, nasawi rin ang dalawa pang nakatatandang sina Hadji Billamin Hassan at Nuruddin Musaddul Muhlis.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.