Higit 250 bungo na hinihinalang biktima ng drug cartel, nakuhay sa mass grave sa Mexico

Posted in: Featured, Foreign, Latest News, Uncategorized

Higit 250 bungo na hinihinalang biktima ng drug cartel, nakuhay sa mass grave sa Mexico

By:

 

veracruz mexicoHindi bababa sa 250 mga bungo ng tao ang nadiskubre ng mga otoridad na ibinaon sa Veracruz, Mexico.

Ayon kay Mexican State Prosecutor Jorge Winckler, malaki ang posibiidad na ang nadiskubreng mass grave ay ginagamit ng mga drug cartel bilang libingan ng kanilang mga biktima.

Ipinapalagay na ilang taon na rin nagsisilbing burial ground ng mga biktima ng mga sindikato ng droga ang naturang lugar bago ito nadiskubre.

Dagdag pa ni Winckler, malaki ang posiblidad na marami pang mga biktima ng cartel ang nakabaon sa lugar dahil maliit na bahagi pa lamang ang lupain ang nahuhukay.

Una rito, ilang mga advocacy groups ang dumulog sa gobyerno ng Mexico upang hukayin ang naturang lugar dahil sa pangambang inilibing doon ng sindikato ang kanilang mga nawawalang kaanak.

Leave a comment