Abandonadong bahay na ginagawang shabu lab, nadiskubre sa Cainta, Rizal

By Alvin Barcelona, Jay Dones March 15, 2017 - 04:20 AM

 

shabuSinalakay ng pinagsamang puwersa ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at Cainta police ang isang bahay na ginagamit umano bilang shabu laboratory sa Vista Verde, Cainta Rizal.

Partikular na tinarget ng grupo ang dalawang palapag na bahay na matatagpuan sa Amadeo St., Vista Verde Subdivision, sa Bgy. San Isidro, Cainta.

Sinasabing abandonado ang naturang bahay nang datnan ng mga otoridad.

Sa loob nakakumpiska ng mga kemikal na hinihinalang ginagamit sa paggawa ng shabu at mga equipment ang mga otoridad.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.