Lalaking itinuturong pusher, patay matapos pagbabarilin sa Bacoor, Cavite

By Cyrille Cupino March 14, 2017 - 07:58 AM

BACOOR CAVITEPatay ang isang lalaki matapos pagbabarilin sa Brgy. Habay 1, Bacoor City, Cavite.

Kinilala ang biktimang si Joel Prodigalidad, 47 anyos, na pauwi na sana sa kanyang bahay nang tambangan ng tatlong hindi pa nakikilalang suspect.

Pinaulanan ng bala ang biktima ng tatlong suspect na nakasakay sa mga motorsiklo, saka mabilis na tumakas.

Narekober sa crime scene ang dalawang basyo ng bala mula sa caliber .45 na baril.

Ayon sa mga tanod ng barangay, kilalang pusher sa lugar ang napatay na biktima.

Nagpapatuloy naman ang imbestigasyon ng pulisya sa nasabing pagpatay.

TAGS: Bacoor Cavite, itinuturong pusher, Pamamaril, patay, suspek sakay ng motorsiklo, Bacoor Cavite, itinuturong pusher, Pamamaril, patay, suspek sakay ng motorsiklo

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.