SI CONG ‘PUSHER’ NG LIQUID VIAGRA SA KAMARA ni Den Macaranas

August 18, 2015 - 10:39 PM

den-macaranas1Umiral ang pagiging negosyante ng isang Congressman na imbes na gumawa ng pera sa mga government projects ay nagsusumikap na lang na kumita sa malinis na paraan.

Siya ngayon ang supplier ng “secret formula” kung bakit matikas at machong-macho ang ilan sa ating mga mambabatas.

Ang negosyo ng ating bida na kinatawan ng isang distrito ng isang lalawigan sa Region 4 ay mula pa sa ibang bansa, isang uri ng pampagana, hindi sa pagkain kundi sa sex.

Isang uri ng de-latang “liquid viagra” ang product ni Mr. Congressman na kapatid ng isang palpak at dispalinhadong miyembro ng gabinete ni Pangulong Noynoy Aquino.

Imbes na pag-gawa ng mga makabuluhang batas ay mas abala ngayon si Cong. sa pagtiyak na meron siyang sapat na supply ng kanyang produkto na halos pakyawin ng mga may edad na mambababatas na “pundido” na pag-dating sa pakikipagtalik.

Kung dati ay hindi kilala ang ating bidang kongresista dahil sa pagiging miyembro ng silent majority at tumanganga brigade, ngayon ay bidang-bida na sya sa kamara dahil sa kanyang produktong pampatigas.

Hindi biro ang presyo ng product ni Sir dahil nagkakahalaga ng P1,000 per can.

Kumpara sa ibang energy drinks, ang liquid viagra ni Sir ay mabilis daw umipekto ayon sa ilang matandang kongresista na suki ni Cong.

Bukod sa mga kapwa Kongresista, ilang miyembro na rin daw ng Gabinete ng Pangulo ang suki ni Sir sa kanyang “wonder drug”.

Ngayong halos araw-araw ay walang quorum sa kamara, ang duda ng ilan ay baka nasa piling ng kani-kanilang mga Chicks ang ilang mga Congs. dahil gustong patunayan ang instant na pangpapa-macho ni Mr. Congressman.

Ang kongresista na pagbebenta ng liquid viagra na kilala sa tawag na “Nitro” ang inaatupag imbes na pagdalo sa mga comittee hearing at sesyon ng kamara ay si Cong. A.B….as in Astig ng Batasan.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.