Residential/Commercial area sa Quiapo Maynila, nasunog

Posted in: Featured, Latest News, Metro, National

Residential/Commercial area sa Quiapo Maynila, nasunog

By: ,

fireTinupok ng apoy ang isang residential/ commercial area sa Quezon Boulevard, Quiapo Maynila.

Naganap ang sunog pagbaba lamang ng Quezon Bridge sa Quiapo.

Ang dalawang palapag na tinupok ng apoy ay pinapaupahan. May mga naninirahang residente sa itaas nito, habang sa ibaba naman ay paupahang commercial stalls na mayroong mga tindahan at barber shop.

Nagsimula ang sunog bago mag-alas dos ng madaling araw na umabot lamang sa unang alarma.

Bago mag alas kwatro ng umaga ay naideklara nang fire out ang nasabing sunog.

Pero tinatayang nasa 10 kwarto at stalls ang nasunog sa gusali.

Inaalam pa ng Manila Fire Department kung ano ang pinagmulan ng pagsiklab ng apoy.

 

 

 

 

 

 

Leave a comment