35th Anniversary ng PDP-Laban, ipinagdiriwang sa PICC

By Isa Avedaño-Umali March 12, 2017 - 07:45 PM

 

c/o Office of Sen. Pimentel

Ipinagdiriwang ngayong araw ng administration party na PDP-Laban ang kanilang ika-tatlumpu’t limang anibersaryo.

Sa taong ito, ang tema ng kanilang anibersaryo ay ‘No to Drugs, Yes to Federalism.’

Ito ay hango sa kampanya ng Duterte administration laban sa ilegal na droga, at pagsusulong ng pagpapalit ng sistema ng gobyerno tungo sa pederalismo.

Ilang aktibidad ang isinagawa mula kaninang umaga at may isang concert sa PICC grounds sa Pasay City ngayong gabi kung saan inaabangan ang pagdating ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Dumalo sa pagtitipon ang mga opisyal at miyembro ng PDP-Laban sa pangunguna nina Senate President Koko Pimentel at House Speaker Pantaleon Alvarez.

Pinangunahan ng dalawang lider ang mass oathtaking para sa mga bagong miyembro ng PDP-Laban.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.