Kontrobersyal na episode ng ‘Madam Secretary,’ hindi ipapalabas ng Solar Entertainment

Posted in: Entertainment, Featured, Latest News, National

Kontrobersyal na episode ng ‘Madam Secretary,’ hindi ipapalabas ng Solar Entertainment

By:

Grab from Youtube
Grab from Youtube

Nagdesisyon ang Solar Entertainment na hindi na lang nila ipapalabas ang kontrobersyal na episode ng “Madam Secretary,” matapos itong umani ng maraming negatibong komento.

Sa inilabas kasing teaser ng sunod na episode ng nasabing political drama series, makikita na binastos ng character ng fictional na pangulo ng Pilipinas ang lead character na isang Secretary of State.

Binatikos ito ng embahada ng Pilipinas sa Amerika, maging ng Palasyo ng Malacañang dahil sa hindi magandang representasyon o portrayal sa pangulo ng Pilipinas.

Ayon sa Solar Entertainment, naunawaan nila ang sensitivity ng nasabing isyu kaya nagdesisyon na lang silang huwag nang ipalabas ang sunod na episode.

Ang nasabing palabas ay pinagbibidahan ng aktres na si Elizabeth McCord na gumaganap bilang secretary of State.

Leave a comment