WATCH: MMDA, nagsagawa ng clearing operations sa QC

By Angellic Jordan March 09, 2017 - 11:36 AM

Kuha ni Jomar Piquero
Kuha ni Jomar Piquero

Nagsagawa ng clearing operations ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa mga lansangan sa Quezon City partikular sa bahagi ng Panay Avenue, Mother Ignacia Street, at Scout areas.

Kabilang sa mga inalis ang mga sasakyan na nakahambalang sa kalsada at nakakaperwisyo sa daloy ng traffic.

Mula pedicab, tricycle, kotse, SUVs at iba pa ay hinatak ng mga tauhan ng MMDA.

Ilang residente naman na nagmamay-ari ng mga kinuhang pedicab at tricycle ang umalma at nagalit sa mga tauhan ng MMDA na nagsagawa ng clearing operations.

Maliban sa mga sasakyan, ang mga paninda at gamit na nasa sidewalk ay inalis din para maayos itong madaanan ng mga pedestrian.

 


 

TAGS: clearing operations, Mabuhay lanes, mmda, quezon city, clearing operations, Mabuhay lanes, mmda, quezon city

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.