Ilang flights, kanselado dahil sa sama ng panahon

By Erwin Aguilon March 09, 2017 - 10:08 AM

Mar 9 flight suspensionKanselado na ang ilang domestic flights ngayong araw, dahil sa masamang panahon.

Sa abiso ng Manila International Airport Authority (MIAA), kanselado ang biyahe ng Cebu Pacific na 5J 771 Manila-Pagadian at 5J 772 Pagadian-Manila.

Gayundin ang flight 5J 781 Manila to Ozamiz at 5J 782 Ozamiz to Manila.

Ang PAL Express naman ay kinansela na rin ang kanilang flights 2P 2889 at 2890 Manila – Ozamiz – Manila.

Payo ng MIAA sa mga apektadong pasahero, makipag-ugnayan sa airline companies para sa refund o rebooking ng kanilang biyahe.

Ang malaking bahagi ng Mindanao ay nakararanas ngayon ng pag-ulan dahil sa umiiral na tail-end ng cold front.

 

 

 

 

TAGS: bad weather, cancelled flights, March 9, MIAA, Ozamiz, bad weather, cancelled flights, March 9, MIAA, Ozamiz

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.