Sa loob ng 3 araw na pagpapatupad ng “Double Barrel: Reloaded”, 9 ang patay, 145 arestado

By Dona Dominguez-Cargullo March 09, 2017 - 08:18 AM

OPLAN DOUBLE BARREL RELOADED DATA MAR 9Ikatlong araw na ngayon ng muling pagbabalik ng Philippine National Police (PNP) sa kanilang war on drugs, matapos magpatupad ng internal cleansing.

At sa datos na inilabas ng PNP, sa loob ng tatlong araw na pagpapatupad ng kanilang “Oplan Double Barrel: Reloaded”, siyam na ang naitalang nasawi.

Ang datos ay mula alas sais ng umaga noong March 6 hanggang alas sais ng umaga ngayong araw, March 9.

Maliban sa 9 na napatay, mayroon pang 145 na naaresto sa isinagawang 103 operasyon sa iba’t ibang bahagi ng bansa.

Samantala, sa pagtutuloy naman ng Oplan Tokhang, nasa 1,041 na mga bahay na ang nakatok at nabisita.

Nagresulta ito sa 13 katao na kusang sumuko na pawang aminado na sila ay gumagamit ng ilegal na droga.

 

 

 

 

TAGS: Oplan Double Barrel Reloaded, Oplan Tokhang, PNP, War on drugs, Oplan Double Barrel Reloaded, Oplan Tokhang, PNP, War on drugs

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.