Rollback sa presyo ng produktong petrolyo, inanunsyo na ng mga kumpanya ng langis

By Dona Dominguez-Cargullo March 06, 2017 - 12:22 PM

Kuha ni Louie Ligon
Kuha ni Louie Ligon

Nag-anunsyo na ng kanilang ipatutupad na price rollback ang mga kumpanya ng langis.

Epektibo bukas akas 12:01 ng madaling araw, magpapatupad ng bawas na 55 centavos sa kada litro ng gasolina, 10 centavos sa kada litro ng Diesel at 20 centavos sa kada litro ng kerosene ang kumpanyang Flying V at Seaoil.

Parehong halaga naman ng rollback ang ipatutupad ng Shell sa kanilang mga produkto alas 6:00 ng umaga bukas.

Inaasahang ngayong maghapon ay mag-aanunsyo din ng rollback ang iba pang kumpanya ng langis.

Anim na magkakasunod na linggo ring nagpatupad ng dagdag presyo ang mga oil company.

 

 

TAGS: diesel, gasoline, kerosene, oil companies, oil price rollback, oil products, diesel, gasoline, kerosene, oil companies, oil price rollback, oil products

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.