San Miguel Beermen, ‘Three-peat’ sa PBA Philippine Cup

By Jay Dones March 06, 2017 - 04:11 AM SHARE(S):
Tristan Tamayo/Inquirer.net

Kampeon muli ang San Miguel Beer sa ikatlong sunod na pagkakataon matapos nitong pigilin ang pagsusumikap ng Bgy. Ginebra na makakuha ng isa pang panalo sa Game 5 ng PBA Best-of-seven championship series.

Nagtapos ang laban sa score na 91-85 pabor sa San Miguel na labis na ikinatuwa ng mga fans nito.

Ayon kay coach Leo Austria, ito na ang pinaka-highlight ng kanyang karera dahil sa three-peat accomplishment ng SMB.

Ang three-time MVP na si June Mar Fajardo at Arwind Santos ay kapwa nakagawa ng 21 puntos na malaki ang naitulong upang manalo ang koponan.

Most Valuable Player naman (MVP) si Chriss Ross na nakagawa ng 12 puntos, 8 rebounds at 6 na steals para sa kanyang team.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.