Natalie Portman, isinilang na ang pangalawang anak

By Rod Lagusad March 05, 2017 - 04:48 AM

Inquirer file photo
Inquirer file photo

Isinilang na ng aktres na si Natalie Portman sa kanyang pangalawang anak noong February 22, ilang araw bago ang Academy Awards.

Ayon sa publicist ni Portman, pinangalan ang anak na babae nito na Amalia.

Dahil sa kanyang panganganak ay hindi na nakadalo si Portman sa Academy Awards noong February 26 kung saan nominado siya sa lead actress category para sa kanyang pagganap bilang si dating U.S. First Lady Jacqueline Kennedy sa pelikulang “Jackie”.

Pareho namang ligtas at malusog sina Portman at kanyang bagong silang na anak.

Ikinasal si Portman at ang kanyang French choreographer na asawa na si Benjamin Millepied noong 2012 sa California at meron na rin silang limang taong gulang na anak na lalaki na si Aleph.

TAGS: Academy Awards, Benjamin Millepied, Jackie, Natalie Portman, Academy Awards, Benjamin Millepied, Jackie, Natalie Portman

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.