Mag-asawa timbog sa pagbebenta ng mga pekeng NBI IDs

By Jan Escosio March 03, 2017 - 05:33 PM

magasawa 1Naaresto sa pamamagitan ng entrapment operation sa Quezon City ang mag-asawang nagbebenta ng mga pekeng ID ng National Bureau of Investigation (NBI).

Sinabi ni NBI Deputy Director Ferdinand Lavin P10,000 hanggang P15,000 ang benta ng mag-asawang Solomon at Shirley Viloria sa mga NBI agent IDs at gun documents.

Dagdag pa ni Lavin kung may kasamang baril ang mga IDs ay aabot sa P45,000 ang singil ni Solomon, na civilian employee ng Office of Civil Defense.

Aminado ang opisyal na gayang gaya ang kanilang mga IDs at pass kaya’t hindi nila isinasantabi ang posibilidad na may kakilala ito sa loob ng NBI.

Nabatid na maging ang bala na gamit ng regular NBI agents ay ang gamit din ni solomon sa nakuha sa kanyang
caliber 45 pistol.

Kasabay nito ang panawagan ng NBI sa mga nabentahan ng IDs ng mag-asawa na isuko ang mga ID sa kanila kundi ay tutugusin nila ang mga ito at kakasuhan kapag nahuli.

Nabatid na karamihan sa mga nabentahan ng pekeng ID ay mga negosyante.

TAGS: entrapment, Mag-asawa timbog, NBI, pekeng NBI IDs, entrapment, Mag-asawa timbog, NBI, pekeng NBI IDs

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.