NGCP tower sa Cotabato, pinasabugan

By Dona Dominguez-Cargullo March 02, 2017 - 12:04 PM

NGCP-tower (1)Pinasabog ang tower ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) sa Kabacan, Cotabato.

Sa abiso ng NGCP, naganap ang pambobomba sa tower number 138 ng Kibawe-Kabacan 138 kilovolt line sa Barangay Kayaga.

Ayon sa NGCP, ito ang unang insidente ng pambobomba sa kanilang tower ngayong taon.

Hindi naman naging matindi ang pinsala sa naganap na pagsabog.

Sa sandaling maideklara nang ligtas ang lugar, agad na magsasagawa ng inspeksyon at repair ang kanilang mga tauhan sa tower.

 

 

 

 

 

TAGS: Cotabato, ngcp, tower, Cotabato, ngcp, tower

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.