OSG naghahanda na ng kaso laban kay Trillanes

Posted in: Featured, Latest News, National

OSG naghahanda na ng kaso laban kay Trillanes

By:

calida
Inquirer file photo

Pina-plano na ni Solicitor General Jose Calida na kasuhan si Senador Antonio Trillanes.

Sinabi ito ni Calida sa harap ng patuloy na pagkupkop at pagbibigay proteksyon sa mga aminadong kriminal na sina Arthur Lascañas at Edgar Matobato.

Nanindigan si Calida na hindi trabaho ng isang senador ang magbigay ng seguridad sa dalawang mamamatay tao.

Ayon kay Calida, hindi na rin dapat na paniwalaan ang mga mga testimonya ng mga nagpakilalang miyembro ng Davao Death Squad na sina Lascañas at Matobato dahil ito ay mga perjurer.

Naniniwala rin si Calida na wala na wala na sa trabaho ni Trillanes ang mga ginagawa nito.

Malinaw rin ayon sa opisyal na namumulitika lamang si Trillanes kaya niya inaalagaan ang mga nag-aakusa laban sa pangulo.

Leave a comment