Abu Sayyaf member at 3 pang preso, nakatakas sa Isabela City Jail

August 17, 2015 - 12:32 PM

Isavbela City BAsilanNakatakas ang apat na preso, kabilang ang isang Abu Sayyaf member mula sa isang detention facility sa Barangay Port Area sa Isabela City kaninang madaling araw.

Ang mga pugante ay nakilalang sina Muslimin Sayuman alyas ‘pogi’, Kaiser Nassan, Bigmar Boso at Garwas Hakim Asadi. Si alyas ‘pogi’ ay miyembro ng Abu Sayyaf.

Kasong robbery, murder, frustrated murder, carnapping at pagbebenta ng illegal drugs ang kinakaharap ng mga tumakas na bilanggo.

Sa inisyal na imbestigasyon, pinutol umano ng mga tumakas na preso ang ventilation grill ng kanilang selda gamit ang lagaring bakal.

Inaalam na ng pamunuan ng bilangguan kung paanong nakapagpasok ng lagaring bakal ang mga preso sa loob ng kanilang selda ng hindi namamalayan ng mga jail guards.

Sa ngayon ay nagtutulungan na ang mga tauhan ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) lokal na pulisya at military para tugisin ang mga pugante./ Jan Escosio

TAGS: isabela city jail, isabela city jail

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.