Baste Duterte, may reaksyon na sa umano’y ‘marijuana video’ nila ni Ellen Adarna

February 27, 2017 - 04:20 AM

 

Mula sa IG

Mistulang binasag na rin ni presidential son, Sebastian ‘Baste’ Duterte ang katahimikan nito sa isang video na in-upload ng aktres na si Ellen Adarna.

Dahil sa naturang video, maraming mga netizens ang nagkomento na mistulang ‘bangag’ ang dalawa dahil sa kanilang kilos at galaw at makikita rin dito na tila may ‘hinihithit’ si Baste kaya’t marami ang nag-isip na ito ay marijuana.

Gayunman, sa Instagram ipi-nost ni Baste, makikita ang larawan nito na nagsisigarilyo.

Nilagyan rin niya ito ng caption na nakasaad sa Bisaya: ‘Ingon nila marijuana pud daw ni.’ (‘Sabi nila marijuana rin daw ito) na mistulang banat sa mga nag-iisip na ipinagbabawal na gamot ang kanyang hinihithit sa naunang video.

Una nang tumugon si Adarna sa banat ng mga netizens.

Giit Adarna, lasing lang sila nang makunan ang naturang video.

Sigarilyo rin lang aniya ang makikitang nasa kamay ni Baste at isa itong uri ng sigarilyo na galling sa Japan.

Dati nang nagkarelasyon ang dalawa ngunit nitong Enero ay inamin ni Adarna na naghiwalay sila ni Baste bago mag-Pasko.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.