13 detainees ng PDEA sa Pampanga, nakatakas

By Mariel Cruz February 26, 2017 - 02:16 PM

 

PampangaNakatakas ang labing tatlong detainees ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa Camp Olivas San Fernando sa Pampanga.

Nabatid na mga high-value targets ang detainees, na tumakas dakong alas-dose ng hating gabi hanggang ala-una ng madaling araw.

Dahil dito, nagdeploy na ang PDEA ng response team na pinangungunahan ni Allan Lloyd Leano para tugisin ang mga pugante sa San Fernando City.

Inalerto na rin ang mga pulis sa Pampanga, Tarlac at Bulacan sakaling mapadpad ang mga nakatakas na detainees sa kanilang lugar.

Nagpatupad na rin ng manhunt operation laban sa mga tumakas na detainees at ang mga tauhan ng PDEA sa Region 3 ang ipinadala.

Sa mga oras na ito na kasalukuyang nagsasagawa ng imbestigasyon sa naturang insidente.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.