Sina dating Sen. Jamby Madrigal at Congw. Len-Len Alonte, ang nagtangkang manuhol sa Bilibid inmates ayon kay Aguirre

By Dona Dominguez-Cargullo February 24, 2017 - 06:56 AM

Madrigal and AlontePinangalanan ni Department of Justice (DOJ) Sec. Vitaliano Aguirre II sina dating Senador Jamby Madrigal at incumbent Biñan City Congresswoman Marilyn “Len-Len” Alonte-Naguiat, na umano’y nagtangkang manuhol sa mga inmate ng New Bilibid Prisons.

Ayon kay Aguirre ang dalawa ang nag-alok ng P100 milyon sa mga Bilibid inmates para bawiin nila ang salaysay na kanilang naunang inilahad laban kay Senator Leila De Lima kaugnay sa drug trade sa NBP.

Batay sa alok, sinabi ni Aguirre na dapat mabawi ang salaysal ng mga preso bago ang paggunita sa Edsa People Power Anniversary.

Sa kwento ni Aguirre, may kaanak si Madrigal na nag-refer kay Alonte, at si Alonte naman ang direktang tumawag sa mga high profile inmates.

Una nang sinabi ni Aguirre na tinanggihan ng mga high profile inmates ang nasabing alok at sa halip ay nanindigan sa kanilang testimonya laban kay De Lima.

 

 

TAGS: bilibid drug trade, Jamby Madrigal, leila de lima, Len Len Alonte, senate, bilibid drug trade, Jamby Madrigal, leila de lima, Len Len Alonte, senate

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.