Si Cong, tiis-ganda sa gitna ng hearing at sesyon – Wacky Leaks ni Den Macaranas

By Den Macaranas February 22, 2017 - 12:11 AM

den-macaranas1Nagulat ang mga tao sa loob ng isang silid sa Batasan Complex kung saan isinasagawa ang isang special hearing noong Martes.

Agaw-eksena kasi ang isang kongresista na may “something” sa kanyang mukha.

Namumula at namamaga ang kanyang face dahil katatapos lamang niyang magpa botox.

Sinabi ng ating Cricket sa Kamara na masyadong vain ang bida sa ating kwento.

Konting puti lang sa kanyang buhok ay kaagad na itong nagpapakulay kaya naman ng mapansin niyang may peleges na sa kanyang mukha ay kaagad siyang nagpa schedule para sa botox.

Pinayuhan pa siya ng kanyang mga staff na sa congressional break na lamang siya magpa ayos ng mukha pero mapilit daw ang ating bida na pinagdududahan rin ang kanyang gender preference.

Ang kanyang katwiran ay dapat daw siyang maging presentable sa lahat ng pagkakataon lalo’t isang importanteng sektor ng lipunan ang kanyang kinakatawan sa Kamara.

Biro tuloy ng ating Cricket, mas concious siya sa kanyang itsura eh kumusta naman daw ang kanyang performance sa Kongreso?

Bukod sa miyembro siya ng silent majority ay nagbubutas lang naman siya ng upuan sa loob ng august chamber.

Kumbaga ay sayang lang ang pondo ng gobyerno na napupunta sa mga katulad niyang miyembro ng tunganga group sa loob ng Batasan Complex.

Wala na sanang problema kahit magpa-botox siya linggo-linggo pero sana ay maglaan din daw siya ng panahon para pag-aralan ng husto ang kanyang trabaho sa Kongreso.

Ang mambabatas na namamaga ang mukha at agaw-eksena ng dumalo sa isang hearing sa Kamara ay si Cong. BJ as in….Bagong John lloyd

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.