Mag-asawa, patay sa pananambang sa Albay

By Kabie Aenlle February 21, 2017 - 04:59 AM

Crime scene2Papunta lang sana sa palengke ang isang mag-asawa sa Guinobatan, Albay nang bigla silang pagbabarilin ng isang hindi pa nakikilalang gunman kahapon.

Ayon sa tagapagsalita ng Albay provincial police na si Chief Insp. Arthur Gomez, naglalakad ang mag-asawang Edwin at Nelly Pababiro sa kalsada sa Brgy. Lower Binogsacan nang atakihin sila ng suspek.

Ayon naman sa ama ni Nelly na si Domingo Natada, pupunta ng palengke ang mag-asawa para mag-tinda ng gulay.

Aniya, hindi niya maisip kung bakit papatayin ang kaniyang anak at asawa nito, gayong mga ordinaryong residente lang naman sila Edwin at Nelly.

Sa ngayon ay patuloy namang iniimbestigahan ng pulisya ang motibo sa pagpatay kina Pababiro, at kung sino ang nasa likod ng krimen.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.