San Miguel Beermen, pasok na sa PBA Finals

By Kabie Aenlle February 21, 2017 - 04:44 AM

PBA-Images-313Muling nakapasok sa finals ng PBA Philippine Cup ang defending champion na San Miguel Beermen para sa taong ito.

Pinatumba kasi ng Beermen ang kanilang kalaban na TNT KaTropa sa Game 7 ng kanilang semifinals kagabi sa Mall of Asia Arena.

Sa third quarter nakagawa ng matinding bwelo ang Beermen laban sa TNT na nauwi sa iskor na 96-83.

Ibinato ni Chris Ross ang 11 sa kaniyang 18 points sa third period kung saan nalamangan na ng Beermen ang KaTropa, na naglaro nang wala ang kanilang best player na si Jayson Castro dahil sa injury.

Nakapagtala naman ng double-double sina June Mar Fajardo at Arwind Santos na umabot sa 44 points at 32 rebounds kapag pinagsama.

Binati naman ni SMB head coach Leo Austria ang kanilang kalaban na TNT dahil sa galing na ipinakita nito sa laro.

Ayon kay Austria, inilabas ng TNT ang natatagong galing ng SMB, at masaya siyang hindi basta sumuko ang kaniyang mga manlalaro.

Sa umpisa pa lang aniya ay alam na niyang mahihirapan sila sa semifinals series dahil napunta sa kanila ang TNT na maraming magagaling na manlalaro.

Makakaharap ng San Miguel ang koponan na mananalo sa gaganapin namang Game 7 sa pagitan ng Barangay Ginebra at Star Hotshots mamayang gabi sa MOA Arena.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.