4 ang patay sa insidente ng pamamaril sa Caloocan

By Rod Lagusad February 20, 2017 - 06:58 AM

crime-scene-300x200Apat ang patay sa dalawang magkahiwalay na insidente ng pamamaril sa Barangay 12 at sa Brgy. 176, Caloocan.

Sa Phase 8B, Package 4, Brgy. 176, Bagong Silang, North Caloocan, patay ang tatlong katao, matapos na pagbabarilin sa.

Dead on the spot ang babaeng biktima habang dead on arrival sa ospital ang dalawang iba pang biktima ng pamamaril sa Caloocan.

Ayon sa mga otoridad, magkakasama sa loob ng isang bahay ang mga biktima ng sila ay pasukin ng nasa anim na mga hindi nakilalang suspek na nakasuot bonnet.

Pinaputukan ng makailang ulit ang mga biktima na siyang naging dahilan ng kanilang pagkamatay.

Agad namang tumakas ang mga suspek sakay ng kanilang mga motorsiklo at iniwang nakahandusay at wala ng buhay si Alyas Estella.

Habang naisugod pa sa Tala Hospital sina Nelbert Galario at Ronald dela Pena ngunit dineklara ding dead on arrival.

Sa kasalukuyan at patuloy pang inaalam ng pulisya ang tunay na motibo sa naganap na pagpatay sa mga biktima.

Samantala, sa Barangay 12, isang lalaking choreographer na nakikisaya lamang sa pyesta ang nasawi matapos pagbabarilin ng mga hindi pa nakilalang suspek.

 

 

 

 

TAGS: 4 killed, caloocan city, crime, Shooting Incident, 4 killed, caloocan city, crime, Shooting Incident

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.