Ginebra at Star, maghaharap pa sa Game 7

By Kabie Aenlle February 20, 2017 - 04:17 AM

 

PBA file photo

Magkakaroon pa ng Game 7 ang Ginebra Gin Kings matapos nilang patumbahin sa laban kagabi ang Star Hotshots sa PBA Philippine Cup semifinals series.

Bumwelta ang Gin Kings at dinaig ang Hotshots sa iskor na 91-67, na nauwi sa three games tie, dahilan para mangailangan pa ng isang do-or-die game na gaganapin sa Martes sa Mall of Asia Arena.

Kung sino man ang mananalo sa laban na ito, ay makakaharap ang kung sino namang mananalo sa pagitan ng San Miguel Beermen at TNT Katropa na maglalaban bukas.

Malaki ang naitulong ng birthday boy na si Joe Devance sa pag-arangkada ng Gin Kings, matapos mag-ambag ng 14 points at tatlong rebounds pagdating pa lang ng third quarter.

Ayon naman kay Ginebra coach Tim Cone, naging inspirasyon nila si Devance lalo’t naglaro ito sa kabila ng kaniyang iniindang injury para lang matulungan ang kanilang koponan.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.