BOC, itinanggi na naghain ng kaso laban sa 101 importers

By Angellic Jordan February 19, 2017 - 07:37 PM

Bureau-of-Customs1-1223Nilinaw ng Bureau of Customs na hindi sila naghain ng anumang kaso laban sa mga importers dahil sa paglabag sa ilang batas ng ahensiya.

Ayon kay BOC spokesperson Col. Neil Anthony Estrella, walang inilabas na press statement ang ahensiya kaugnay sa pagsasampa ng kaso laban sa isang cigarette manufacturer o 101 na importers ng langis at mamahaling sasakyan batay sa mga lumabas na ulat sa iba’t ibang news organization.

Pinag-aaralan pa ng ahensya ang mga naturang kaso ukol dito.

Gayunman, hindi inaalis ni Estrella ang posibilidad na mangyari ang mga ulat at i-suspinde ang importers oras na makakita ng ebidensiya laban sa kanila.

Kaya naman, binalaan ni Estrella ang media na maging ma-ingat sa mga hindi otorisadong impormasyon ng BOC.

Pagbasehan lang aniya ang kanilang website, Facebook at Twitter accounts, e-mails at ang mga otorisadong opisyal ng ahensiya.

Sa ngayon, sinuspinde na ng BOC ang anim sa 101 importers na may transaksyon sa Port of Manila at Manila International Container Port.

Kabilang dito ang mga sumusunod:

1. Holdhigh Trading
2. Coco Corporation Technologies
3. Manhattan Chemical Corporation
4. Trikris Enterprises
5. Harbinger International Trading
6. Richco Marketing

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.