Julia Barretto at Joshua Garcia, umani ng papuri dahil sa natatanging pag-arte sa MMK

By Mariel Cruz February 19, 2017 - 07:35 PM

MMK LOVE ME NOWUmani ng libu-libong papuri mula sa publiko ang Kapamilya stars na sina Julia Barretto at Joshua Garcia dahil sa kanilang natatanging pag-arte sa isang episode sa Maalaala Mo Kaya.

Ginampanan ni Julia ang karakter ni ‘Aika’ na isang babae na ayaw nang makipagrelasyon dahil sa takot na masaktan muli matapos lokohin ng kanyang unang boyfriend.

Si Joshua naman ay gumanap bilang si ‘John’ na palaging pinanghahawakan ang pananaw na maiksi lang ang buhay, at lahat ay maaari mamatay anuman oras.

Nagkakilala sina Aika at John at kalaunan ay sinubukan nilang pumasok sa isang relasyon.

Nasubok ang kanilang relasyon nang ma-diagnose si Aika na may sakit na leukemia.

Pero nagulat ang mga manonood sa shocking twist ng istorya dahil sa pagkamatay ni John bunsod ng isang aksidente habang si Aika naman ay natapos niya ang kanyang cancer treatment.

Marami ang naiyak at nalungkot sa naging ending ng istorya pero mas marami ang humanga sa ipinakitang pag-arte nina Julia at Joshua.

Dahil dito, naging trending topic sa Twitter sina Julia at Joshua at maging ang naturang episode ng MMK.

Kasabay nito, nagpasalamat ang dalawang Kapamilya stars sa lahat ng nanood at sumuporta sa kanilang ginampanang karakter sa MMK.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.