Sensitibong video: Lalake, pinagbabaril sa harap ng 2 anak sa QC

By Jong Manlapaz February 20, 2017 - 04:24 AM

 

Contributed photo/Jong Manlapaz

Nakunan ng CCTV ang ginawang pagpatay ng hinihinalang gunman/holdaper sa isang lalaki sa kanto ng Pangasinan at Palawan st., na sakop ng Brgy. Sto. Cristo Bago Bantay, Quezon City pasado alas-2:00 ng hapon, Linggo.

Makikita sa CCTV na sumakay ang biktima na nakilalang si Ricky Leang, 41, sa puting Toyota Revo nito kasama ang dalawang anak na lalake para mamasyal sa mall.

Maya-maya lumipat ang dalawa bata sa passenger seat sa likurang bahagi mula sa tabi ng biktima.

Pagkatapos ibaba ng biktima ang salamin ng sasakyan dito na lumapit ang suspek na nakasuot ng pulang t-shirt at short walang-awang pinagbabaril ang biktima sa harap ng dalawang anak nito.

 

Makikita din sa CCTV na kinuha ng suspek ang wallet ng biktima bago tumakas papalayo na naglalakad lang.

Nakunan din ng CCTV na malayo pa ang nilakad ng suspek bago ito pumara at sumakay ng isang tricycle at nagpahatid malapit sa Roosevelt LRT station.

Inaalam pa rin ng mga otoridad ang dahilan ng pagpaslang sa biktima, pero isa sa tinitingnang anggulo ng mga pulis ang pagnanakaw dahil tinangay ng suspek ang wallet nito.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.