Hinihinalang biktima ng summary execution, natagpuan sa Diokno Blvd., Pasay City

By Cyrille Cupino February 19, 2017 - 02:38 PM

DIOKNO BLVD
Kuha ni Cyrille Cupino

Isang hinihinalang biktima ng summary execution ang natagpuan sa kahabaan ng Diokno Blvd., Pasay City.

Nakasuot ang biktima ng kulay grey na t-shirt, maong na pantalon, at itim na step-in.

Duguan ang katawan nito, naka-balot ng plastic ang ulo, at naka-tali ang mga kamay.

Nang-imbestigahan ng SOCO, nakumpirma na babae ang biktima na tinayang 30 hanggang 35 ang edad, katamtaman ang pangangatawan at maputi ang balat.

Nagtamo ito ng dalawang saksak sa leeg na hinihinalang dahilan ng kanyang pagkamatay.

May iniwan pang karatula sa tabi ng biktima na may nakasulat na, “Pusher ako, huwag tularan. Marami nang nasirang kinabukasan.”

Ayon sa Pasay City Police, dalawang bata ang naka-diskubre ng bangkay saka itinimbre sa kanila.

Iniimbestigahan naman ng pulisya kung sino ang nasa likod ng nasabing pagpatay.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.