Higit isang batalyon na sundalo, itinalaga ng AFP sa Task Force kontra iligal na droga

By Ruel Perez February 19, 2017 - 02:35 PM

Mahigit isang batalyon na sundalo ang itinalaga ng Armed Forces of the Philippines para sa pagpapatuloy ng kampanya ng pamahalaan laban sa ilegal na droga.

Sa panayam sa Baguio City, sinabi ni AFP Chief of Staff Gen. Eduardo Año na bagaman mayroon nang dating Task Force Noah na kabilang sa kampanya kontra droga, mas pinalakas ang panibagong grupo na ito para sa mas paigtingin ang paglaban sa iligal na droga.

Paliwanag ni Año, ang higit sa isang batalyon o nasa limang daang sundalo ang magiging katuwang ng Philippine Drug Enforcement Agency at National Bureau of Investigation para sa mga ikakasang anti-illegal drugs operations.

Pero nilinaw ng opisyal na mananatiling PDEA ang lead agency sa anti-illegal drugs operations at support lamang dito ang AFP Task Force Noah.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.