Pelikula ng LizQuen, kumita na ng P100M

By Rod Lagusad February 19, 2017 - 04:09 AM

inquirer.net file photo
inquirer.net file photo

Kumita na 100 million pesos ang pelikula nina Liza Soberano at Enrique Gil na “My Ex and Whys” sa loob lang ng tatlong araw mula ng ipalabas ito ayon sa Star Cinema.

Nagsimulang ipalabas ang naturang pelikula noong Miyerkules kung saan agad na kumita ito ng 31 million pesos, na siyang pinaka successful premiere ng LizQuen.

Aabot naman sa 69 million pesos ang kinita nito mula Huwebes hanggang hapon ng Sabado.

Malapit na nitong malagapasan ang mga pelikulang “Just the Way You Are” at “Everyday I Love You” na pawang pinagbidahan din ng LizQuen.

Kasalukuyang ipinapalabas sa nasa 300 mga sinehan sa buong bansa ang nasabing pelikula.

TAGS: Enrique Gil, Liza Soberano, LizQuen, My Ex and Whys, Star Cinema, Enrique Gil, Liza Soberano, LizQuen, My Ex and Whys, Star Cinema

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.