2 sundalo, 2 NPA, patay sa engkwentro sa Davao City

By Dona Dominguez-Cargullo February 17, 2017 - 10:09 AM

maa, davao cityApat ang nasawi habang sampu pa ang sugatan sa engwentro na naganap sa Davao City.

Kinumpirma ni Philippine Army spokesperson Col. Benjamin Hao na dalawa sa mga nasawi ay tropa ng pamahalaan habang ang dalawang iba pa ay miyemrbo ng New People’s Army (NPA).

Pawang sundalo rin ang sampung nasugatan sa bakbakan.

Ayon kay Hao, ang mga sundalo na pawang tauhan ng 3rd Infantry Battalion ay patungo sa Binaton detachment nang sila ay tambangan sa bahagi ng Bilangkad, Brgy. Lamanan sa Calinan District.

Sakay ng utility trucks ang mga sundalo na magsasagawa sana ng pursuit operations.

Hinihinalang miyembro ng Pulang Bagani Command nng NPA Southern Mindanao Regional
Command ang nakasagupa ng mga sundalo.

TAGS: Davao City, encounter, NPA, Davao City, encounter, NPA

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.