Pulis at aide de camp ni Pangulong Duterte na nag-trending ang proposal online, ikinasal na

By Chona Yu February 14, 2017 - 02:04 PM

Malacanang Photo
Malacanang Photo

Dalawang araw bago sumapit ang araw ng mga puso, ikinasal ang dalawang pulis na nag-viral sa video matapos mag-propose ang lalaki sa aide de camp ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Matatandaang nasa kasagsagan ng live coverage sa Camp visit ng pangulo sa Butuan noong Oktubre 6, 2016 nang mag-propose si Senior Inspector Arvin Hosmillo kay Senior Inspector Alnieza Kinang.

Ikinasal ang dalawa noong Linggo sa Zamboanga City.

Naging principal sponsor ng dalawa si Pangulong Rodrigo Duterte at si Ginang Margarita Cojuangco.

Matatandaang sa proposal ni Hosmillo, inamin nito na ikakasal na sana sila ni Kinang subalit nagkahiwalay.

Gayunman, hindi sumuko si Hosmillo at sinuyo ulit si Kinang.

Nag-viral online ang proposal ni Hosmillo kay Kinang dahil ginawa niya ito sa harap ng pangulo at habang may nationwide coverage.

 

 

TAGS: Alnieza Kinang, Arvin Hosmillo, marriage, rodrigo duterte, Alnieza Kinang, Arvin Hosmillo, marriage, rodrigo duterte

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.