(UPDATE) 2 sunog, sumiklab sa Malabon at Pasay

By Alvin Barcelona, Jay Dones February 09, 2017 - 04:23 AM

 

Courtesy: Twitter/Robee_Ng/Inquirer Metro

(UPDATE) Naging abala ang mga kagawad ng pamatay sunog sa Kalakhang Maynila dahil sa dalawang sunog na naganap sa lungsod ng Malabon at Pasay City.

Unang sumiklab ang apoy sa mga kabahayan sa Hernandez St., Catmon, Malabon dakong alas 5:30 ng gabi.

Mabilis na itinaas ng mga kagawad ng pamatay-sunog ang alarma ng sunog sa Task Force Bravo

Dakong alas-12:48 ng madaling-araw, idineklarang fire-out ang naturang sunog.

Samantala, isa pang sunog ang sumiklab naman dakong alas 9:40 ng gabi sa isang gusali sa Bgy. 108 Pasay City.

Sinasabing nagsisilbing bodega ng mga kagamitan sa bahay ang naturang establisimiyento na nasa ikatlong alarma na sa kasalukuyan.

Dakong alas-11:29 nang ideklarang under control ang sunog.

Lima katao ang inulat na bahagyang nasaktan sa insidente.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.