Mga sundalong dinukot at pinatay ng NPA, nagtamo ng 76 na tama ng bala ng baril sa katawan

By Dona Dominguez-Cargullo February 03, 2017 - 04:15 PM

Malaybalay-City.8Aabot sa 76 na tama ng bala ng baril ang natamo ng tatlong sundalo na dinukot at pinatay ng mga miyembro ng New People’s Army sa Malaybalay, Bukidnon noong February 1.

Ito ang lumabas sa imbestigasyon na isinagawa ng Scene of the Crime Operatives (SOCO) sa katawan ng tatlong sundalo.

Pawang nakasibilyan ang tatlong sundalo sakay ng dalawang motorsiklo nang sila ay harangin ng mga miyembro ng NPA.

Napakarami rin umanong basyo bala ng iba’t ibang uri ng baril ang natagpuan sa lugar malapit sa katawan ng mga biktima.

Ayon kay Col. Eric C. Vinoya, commander ng 403rd Infantry Brigade maitituring na inhuman at overkill ang ginawa sa mga sundalo.

Noong Miyerkules natagpuan ang katawan ng mga sundalo sa bahagi ng Barangay Kibalabag sa Malaybalay.

Ayon sa Armed Forces of the Philippines (AFP) kasapi ng Bayanihan Team Activity squad ang mga pinatay na sindalo.

 

TAGS: AFP, CPP, Malaybalay Bukidnon, NPA, AFP, CPP, Malaybalay Bukidnon, NPA

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.