2 patay sa aksidente sa Ortigas, Pasig City

August 14, 2015 - 07:35 AM

mapDalawa ang patay at dalawa pa ang sugatan sa aksidenteng naganap sa bahagi ng Lanuza Avenue kanto ng Ortigas sa Pasig City kaninang madaling araw.

Sa imbestigasyon, binangga ng isang 22-wheeler truck ang isang 6-wheeler truck dahilan para mabangga naman nito ang Honda Civic.

Nayupi ng parang lata ang Honda Civic na may plate number ZDT 724 dahilan para agad masawi ang dalawang sakay nito na kinilalang sina Donovan Capa at Beverly Victoriano.

Nabatid na galing ng Medical City ang dalawa at kalalabas lamang ng ospital ni Victoriano base na rin sa hospital tag na nakita sa kaniyang braso.

Hawak na ng Pasig City Police ang driver ng 22–wheeler truck na si Aaron Gutierrez na aminadong nawalan ng preno ang minamaneho niyang sasakyan kaya niya binangga ang 6-wheeler truck na siya namang sumalpok sa kotse.

Tumagal pa ng ilang oras bago naialis sa loob ng nayuping sasakyan ang katawan ng dalawang biktima.

Isa sa mga nasugatan ang pahinante ng truck na si Jake Bernabe na isinugod sa Rizal Medical Center./ Erwin Aguilon

TAGS: accident in Lanuza Ortigas, accident in Lanuza Ortigas

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.