Dalawang sasakyan nagsalpukan sa Tandang Sora Fly-over, daloy ng trapiko naabala

August 14, 2015 - 07:32 AM

aksident erwin 2
Kuha ni Erwin Aguilon

Maagang naantala ang daloy ng trapiko sa kahabaan ng Commonwealth Avenue sa Quezon City dahil sa head-on-collision ng dalawang sasakyan sa Tandang Sora Fly-over.

Isang Pick-up na may plakang TNG 911 ang pumakabila ng linya dahilan para masalpok nito ang paparating na Isuzu APV na may plakang UC2838.

Dahil sa nasabing aksidente, nabarahan ang isang linya ng westbound ng Tandang Sora – Commonwealth Avenue fly-over.

Ayon sa driver ng pick up na si Eddie Rosario, tumigas ang manibela ng sasakyan kaya nawalan ng kontrol.

Bahagya namang nasaktan si Rosario habang ang driver ng APV na si Ricky Gutoman ay dumadaing ng pananakit ng dibdib.

Nawasak din ang malalaking paso na nasa center island ng fly-over ng Tandang Sora./ Erwin Aguilon

TAGS: accident in Tandang Sora Flyover, accident in Tandang Sora Flyover

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.